Ok. Holiday ngayon, Rizal Day, at nandito ako sa ACLC-Silang, Cavite para samahan ang mga scholars ng PGMA Call Center Training (bakit kaya?), at habang sila ay nagpapractice mag type sa computer, kinakarir ko rin ang blogspot ko. Anyways, matagal-tagal bago ko ulit dinalaw ang site ko, and now I realize that I need to keep my promise regarding the description of our Family Museum---The Nayra Museum.
Well, well, well, ang Nayra Museum ang isa sa pinaka state of the art at pinakamanghamazing the family museum na mage-exist dito sa mundo (BWAHAHAHAHAHA). Simulan natin sa entrance, (remember, nasa last floor ng aming mala-palasyong tahanan matatagpuan ang family museum):
Pagpasok mo ay sasalubungin ka ng isang napakagandang robot stewardess (na sabi ni ate daisy ay kamukha nya--Terminator?) at aakitin kang sumakay sa in-door train para mag-tour. Pag-upo mo ay ide-deliver ng stewardess ang kaniyang spiel that goes like this: "Our honored guests, thank you for gracing the majestic Nayra Museum. In the next sixty minutes, I will take you to a world you've never been before: the colorful, and exciting world of the Nayra Family/Clan. I allow you the freedom to express yourself whenever you appreciate what you see, but please be advised that you are only allowed to used adjectives in superlative form. So please sit back, relax, and enjoy the tour!" Maririnig ang busina ng train at dahan-dahang uusad ang sasakyan.
First stop: Jeffrey Nayra Corner
Dito naka-display ang kaniyang family crest, ang mga subpoena'ng natanggap mula sa iba't-ibang regional trial courts, mga death threats mula sa mga inagrabyado niya na nabasura ang kaso, at ang koleksyon niya ng boxer shorts. Narito rin ang mga gitarang ginamit niya nang minsang mawalan siya ng pag-asang makapag-aral pa at mag-take up ng HRM kaya sumaydline na lang bilang P.A. ng isang bandang binubuo ng kaniyang tropa. Makikita rin ang kaniyang larawan kasama si Tan-tan at ang ilan pang mga panganay na magmumula sa kaniyang angkan. Sa isang bahagi ng kaniyng corner ay isang wax statue niya tangan-tangan ang balance of justice.
Second stop: Nap Nayra Corner
Sasalubungin kayo ng aking napa-majestic na 25-foot statue na naka-japan-japan ang dalawang kamay malapit sa mata, at naka-feet apart dahil sa ilalim ko dadaan ang train. Paglampas ng statue ay makikita sa magkabilang side ang mga portraits ng mga taong minahal ko, pinagnasaan ko, at (parental guide please) mga minolestiya ko. After that ay didiretso ang train sa isang karaoke machine at bubunot ang robot guide ng isang lucky guest para kantahin ang isa sa aking mga favorite karaoke songs: "Boys Do Fall in Love" at kung makaka-100 ay may souvenir na stuffed toy version ko (o ha!). Tapos ay didiretso sila sa collections ko ng mga pirated anime dvd's at pwede silang magpa-burn ng palabas na gusto nila, wag lang kalimutang maghulog sa donation box pagkatapos nilang makuha ang gusto nilang kopya. Habang palabas ang train ay makikitang kinakawayan sila ng aking lifesize statue na may suot na crown at may hawak na scepter sa kabilang kamay.
...to be continued...