Lately, panay-panay ang reklamo ko sa work kasi naman, hindi na lang customer service ang trabaho namin ngayon, kumbaga sa katulong, all-around na kami.
Andami naming ina-update sa system na pwede namang trabaho na ng back-office; benta forever din kami kahit may sales team naman. Tapos, pag nalimutan mo'ng gawin ung pinapagawa sa iyo, failed call na.
Ang frustrating dito is the fact that no matter how perfect you serviced the call, bagsak ka pa rin dahil wala kang post-call maintainances.
I'm thinking of moving to Australian account; kasi doon, tiga-validate lang ako ng applications ng mga clients. Meaning, bawal ang uma-attitude dahil pwede naming i-decline ang applications nila. Therefore, wala nang asal halimaw na mga customers na astang mayaman kahit na head lang ng janitorial team sa kumpanya nila at wala pang P12,000 ang sweldo kada buwan.
Now don't take me wrong, hindi ako nanlalait ng mga janitor. The point is, nakakapikon talaga yung idea na aawayin ka ng mga tao kasi hindi nila alam kung paano ang system ng mga credit cards. At kahit na alam ko na it's my job to educate these people on how to use their credit cards, I still wish na sana nagbabasa sila ng terms and conditions para hindi sila tatawag ng galit na galit kasi wala raw silang biniling "finance charge", or bubulyawan ka at point of call kasi nagtataka sila kung bakit taun-taon, may "annual fee" (annual nga di ba?).
Alam na ng BFF ko ang plano ko, and she's trying to anti-attrite my plans. Sabi ko nga sama na lang siya sakin, kaya lang parang masaya pa siya sa department niya. Kasi ako, hindi na masiyado.
Sana, this is just like one of those auto-finance days na nakatingin na lang ako sa langit at naghihintay na magbagsakan ang mga bituin para matapos na ang pakikipagtalakan ko sa mga kano, pero after a few days eh lilipas din naman.
Sana, tulad ng madalas mangyari sa computer ko sa office, I'm just "temporarily down".
Sana, magkaroon din ng improvements sa process namin. Kasi naman, parang miniature Philippines kami doon. Very Pinoy ang culture mula sa sistema hanggang sa pulitika.
Pero ayoko ring maging very idealistic. Sabi nga ng marami, "ganito na talaga dito, so if you can't beat them, join them". Fine. Pero ako, if you can't beat them, leave them.
I'm just giving it a little more time. Hinihintay ko lang kung may positive impact yung pino-promote nilang "Moving as ONE" sa process namin. Pag talagang wala, g'day mate na ang spiel ko (by God's will siyempre).
Pray for me : )
`**Vae Victus means "Woe to the conquered"