Friday, August 1, 2008
The Family Legacy v1
(my family:L-R, back- me, kuya john, jeff; L-R, front- nanay, kuya delfin, ate daisy, and ate ghie; photo taken last July 26, 2008, kuya John's bday.)
Hindi ko na maalala kung kelan no, pero just last summer, pumunta kami ng eldest sister ko sa Amadeo, Cavite para maki birthday. After nung birthday, nagtanung-tanong kami kung magkano ang mga lupa don and we found out na medyo mahal din siya. Anyway, nagbalak pa rin kami ng ate ko na bumili ng property dun... in the future.
Tapos nung pauwi na kami sumakay kami ng bus at napakarami naming pinag-usapan on how to make our family legacy last for eternity. Nakakapraning kasi nangarap kami na magpapatayo kami ng malaking bahay, yung ancestral house ba. Tapos gusto ko parang Buckingham ang dating, yung malapad ang harap, tapos bago makarating sa mismong bahay, sasakay ka pa ng kalesa mula sa gate kasi nga malawak ang bakuran or front yard. Eto pa, pagpasok mo ng gate, yung dadaanan ng kalesa eh pinapayungan ng mga puno sa magkabilang side para paglabas mo ng pathway e bubungad sa iyo ang mala-palasyo naming bahay (majestic fanfare music playing).
At siyempre, dahil family legacy ang topic, proceed kami sa next agenda: sa last floor ng mala-palasyo naming bahay, dun namin ilalagay ang Nayra Museum. Dun namin ilalagay ang mga pictures naming magkakapatid at ang aming mga profile. Dun din makikita ang mga favorite naming gamit at mga damit. Ang purpose kasi non eh para pag patay na kami eh may idea yung mga apo-apohan namin kung sino kami, at kung gaano naging kakulay ang buhay ng kanilang mga ninuno. Lupeet di ba?
Pero eto ang highlight ng topic namin at dito rin nagtapos ang napakasayang huntahan naming magkapatid. Kailangan, bawat isa sa'ming magkakapatid, may sariling corner sa museum. At sa bawat corner namin ay may kaniya-kaniya kaming family crest. Eto ang magre-represent ng aming mga angkan. At ito ang napagkatuwaan naming magiging family crest ng bawat magkakapatid (mula sa bunso pataas ang order).
Name/Family Crest/Meaning
Jeffrey Nayra/Balance of Justice/Dahil sa dami ng kasong kinaharap (50 cases, walang naipanalo), si Jeff ang napiling gumamit ng Balance of Justice bilang family crest at ito ang magiging tatak ng lahat ng magmumula sa lahi niya (kasali na si Tan-tan).
Nap Nayra (ako eto)/Crown & Scepter/Dahil ako ang bonggang-bonggang bong-bong ng aming angkan, lahat ng magmumula sa lahi ko ay may dugong bughaw kaya ito ang gagamitin nilang family crest. HAHAHAHAHAHAHA!
Ghie Nayra-Ame/CoE - Universal/Dahil sa dami ng pinasukang trabaho at himala na ang tumagal siya ng limang buwan sa pinapasukan niya, lahat ng magmumula sa angkan niya ay gagamit ng crest ng Certificate of Employment - Universal.
Delfin Nayra/Mr. Suave Face/Dahil malakas ang sex-appeal ng kuya kong eto, at sa family ranking ay nangunguna siyang chick-boy (talo pa si tatay), sa kaniya ipagkakaloob ang Mr. Suave Face family crest at ito ang gagamitin ni Dada at Dax at ng magiging mga anak at apo nila.
John Nayra/Flower Girl/Dahil kahit ilang beses siyang sumubok ay hindi siya nagkaroon ng anak na pang-ring bearer ang ari, sa kaniya ipagkakaloob ang family crest na Flower Girl. Lahat ng anak niya ay babae at pang-flower girl lang ang level.
Daisy Nayra-Martinez/UN Logo/(Warning: dahil sensitive ang mga sumusunod na description, pinapayuhan ang bawat babasa na wag seryosohin ang lahat ng naririto) Sa kaniya mapupunta ang UN Logo dahil, SABI NIYA, siya ang pinakamaganda at pinaka-diyosa sa family. At dahil diyan, napakalawak ng fan base ng diyosang ito: world wide. In other words, may lalaking nahuhumaling sa kaniya saan mang panig ng mundo at nakikini-kinita na niya na balang araw, ang bilang at lahi ng kaniyang mga magiging anak ay kasindami ng bansang kasali sa United Nations. Bonggang-bongga!
Ayan. Diyan nagtapos ang aming simpleng pangarap sa buhay. Next time, iku-kwento ko sa inyo ang iba pang mga features ng aming family musem. For now, bye-bye muna dahil may klase pa ko... mata ne!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
bwahahahahaha, im still loving this post kahit paulit ulit ko basahin;)
Post a Comment