Saturday, April 30, 2011
Ako Na'ng May Galaxy : )
Actually, ayoko na sanang isulat to'ng blog na to baka kasi sabihin ng iba nagyayabang lang ako; and besides, tinotoo naman ni God yung promise Niya na bibigyan Niya ako ng Samsung Galaxy Tab.
But I decided to write this still, for some few reasons: Number one, this is a testimony that good things come to those who wait in the Lord's timing, and number two, I want to write this blog as my way of thanking the person that God used to make His promise a reality---my ever-loving sister, ate Daisy.
The first time that I ever laid my hands on a Samsung Galaxy Tab was back in the early part of January 2011. I've been hearing about it in the 2010 year-end news that it will be one of the gadgets that's worth buying. Anyway, I won't go into so much detail since this is not a sponsored blog and Samsung will not pay me for this. What I can only say though, is that this gadget fits my professional needs perfectly.
And that's when I started to ask God to give me a Galaxy Tab. Back then, ako ang nag-set ng time frame. Sabi ko kay Lord, "No later than first week of March". Ang tapang ko diba? Parang ako ang masusunod.
Eh, kasi naman, that time I was applying for a credit card and I was very positive that my application will be approved in time para mabili ko yung Tab. During that time, Samsung Tab cost PhP32,000.00 and I was more than willing to spend that much.
Ending, walang application na na-process (sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hindi mahanap ng Credit Card company ang application form ko)therefore, walang Galaxy na nabili on the first week of March, at sa mga sumunod pang weeks.
So I said to myself: it wasn't for me...
I went back to living a normal life, or rather I woke up from my day dreaming. Kalimutan na ang Tab, sabi nga: may binabagayan yan.
Until one day, nag-text si Popol sakin, at mas excited pa siya dahil from 32k, binaba ng Samsung ang presyo ng tablet nila to 22K (wifi ready with sim) and 17k (wifi only). Sabi ko, yung 17k kaya ko na yon. kaya one Friday night, kasama ko'ng nagwi-window shopping si lolo Randy at napatunayan ko'ng totoo nga ang sinasabi ni Popol na nagbagsak presyo talaga ang Samsung.
Sabi sa announcement, yung selling price na 17k at 22k will be good until April 17 lang. Kaya ang una kong ginawa pag-uwi ko is nag e-mail ako sa ate Daisy ko sa US para magpa-sponsor ng $200.00. Yung kulang ako na sasagot.
Now, para sa ika-aalam ng lahat, mahirap ang buhay sa US and $200 can surely go a long way. Pero ang ate ko, she's so generous. Hindi bale nang walang matira sa kaniya basta nai-provide nya ang hinihingi ng mga tao sa paligid niya (OMG.. naiiyak ako T_T); Positive ang reply nya sa akin and she promised to give me that $200 na hiningi ko sa kaniya.
In my heart, alam ko na this is the time para bigyan ako ni Lord ng gift na since January ko pa hinihingi sa Kaniya. Pero on the day na bibilhin ko na yung tablet, nag-chat kami ng ate ko and my heart was so broken kasi she was so sad (or maybe even depressed).
Kasi naman, sa kabila ng pagiging generous and selfless niya, meron siyang mga pasaway na anak at siyempre, mga umaasang kapatid (including me, dahil sa tablet). Ang malungkot kasi, ang alam lang namin is manghingi pero ni hindi man lang sumagi sa isip namin yung mga naging sakripisyo ni ate para maibigay yung mga hinihingi namin.
In my desire to sympathize with her, hindi ko na ipinasok sa usapan yung $200 na hinihingi ko. Again, sinabi ko: it's not for me talaga, todo na to.. Pero bago matapos yung chat namin, binanggit niya na naghulog na siya ng $200 at sa liit ng conversion rate, instead of 8K, 9K ang binigay niya sa akin. Mixed emotion ako siyempre. Hindi ko alam kung kukunin ko ba yung 9K or wag na lang. Ending, kinuha ko pa rin (kapalan na lang ng mukha).
Sa totoo lang, I know how it feels na may mga tao'ng bigla na lang hihingi sa iyo ng tulong na para bang iniisip nila na isa kang diyos na naghihintay lang ng kanilang mga panalangin. Yun bang ang tingin nila sa'yo eh porque malaki ang sweldo mo eh wala ka nang karapatang mag-budget para sa mga needs mo dahil hihingi sila at kailangang mapunan muna yung mga needs nila.
Anyway, hindi ako si Bitter Ocampo, so enough of my grievances. To make the long story short, binili ko yung tablet last April 16. And take note, hindi yung tigsi-17K ang binigay sakin ni Lord, kundi yung tigti-22K.
Sobrang saya ko. Kasi naman, by the grace of God, nabili ko siya na hindi gumagamit ng credit card. In your face, CAO Isf na ginawa nang bisyo na iwala ang application form ko (kasi as of the writing of this blog, yung second application ko ay wala pa ring update kong in process na)--I don't need your plastic cash.
Imagine, kung na-aaprove ako sa credit card application ko, makakabili nga ako ng Samsung Tab pero may utang naman ako for one year. This is what I mean by "good things come to those who wait in God's timing". Kasi may Samsung Tab ako at wala akong hinuhulugan ng isang taon--at hindi siya P32k.
Again, IN YOUR FACE, CAO ISF!
As my way of showing gratitude naman to my ate Daisy, I'll help lessen her worries by ensuring that her children will know the Lord Jesus Christ as their Savior; and guide them in their journey as youths. At syempre, I'll also help her sa kaniyang mga sponsored blogs; dagdag income din yun sa kaniya.
So that's it. God is faithful. He fulfills His promises.
Ang prayer ko: Lord, make me just like you---hindi ulyanin.
mwah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
kaka touch aman;)
Post a Comment