Friday, January 28, 2011

The Judgement Day part 2

(photo of me and Gelo during the Manila Care summer shindig.. as usual, na-enjoy niya ang mala-helipad kong bunbunan. hehe)

Para sa ikapapanatag ng mga nagmamahal sa akin: tapos na po ang admin hearing and things turned out for my favor; thanks to my bosses, especially to boss Jesus Christ.

At clarification din, para sa mga iba ang pagkaka-intindi sa admin hearing: hindi po ito court hearing. Hindi po ako nagpunta sa korte para sumigaw ng "Sinungaling ka! Hindi totoo yan!" habang minamartilyo ni judge ang desk niya at sumisigaw ng "Order in the court!"

Ang admin hearing ay isang meeting with the administrative officers of the company to give an employee a chance to be heard, and to substantiate the complaints filed against him. Yun po ang naganap.

So, to cut the long story short, they listened to my story and they finally understood where I was coming from. I'm staying (and YOU-dakilang card holder- and YOU, you're gonna love me! bwahahahahaha)

Kaya lang, as much as I want to celebrate my victory, I can't do it whole heartedly kasi one hour after ng hearing ko, a friend who was like a brother to me, went through the same hearing. And just like me, he's planned to resign. And he did. Inunahan na niya ang admin.

He said goodbye to me, through my email yesterday. And kaninang lunch time, he made that farewell official. Gusto ko sana siyang samahan hanggang sa makumpleto ang processing ng clearance niya, kaya lang, malapit na ko'ng ma-over break. And when he was saying his goodbye, hindi kami makalapit sa kaniya kasi we were huddled for a meeting.

Kaya this blog is dedicated to Gelo "Eight" Ilagan--my little brother, kabit, asawa, kakosa, ka-text twist, ka-merlin, KAIBIGAN.

Malungkot pag walang siraulo sa office. You'll be missed. And tandaan mo, kung napasok mo ang HSBC, bakit naman hindi mo mapapasok ang Wells Fargo or JP Morgan?


Mata ne!

Wednesday, January 26, 2011

The Judgement Day

Haay!! Bukas na ito... ang pinakahihintay kong Admin Hearing.. salamat sa dakilang cardholder na nakipag-digmaan sa akin eto ang ending ko.. hehe..

Don't worry, I didn't reget our fight! Sabi nga ni Victoria: "You want war? Gue, kaw na lang..." BWAHAHAHAHAHA..

Alam kong taga-call center ka rin.. kasi yon ang nasa job information mo.. Malas mo lang, ako naka-usap mo.. Sabi ng katabi ko dito, Customers are always right.. Ok fine.. My answer: The hell I care! Ma**la Care!

Anyways, If things don't turn out to my favor, then I'll just have them sign my resignation letter. Otherwise, I'll stay...

Pero sabi nga ng kaibigan kong si Sandy, "Sana term na lang ang maging decision para I have a reason to leave..."

Sa kabilang banda, agree ako doon... Right now, I feel like Louis, yung vampire na ginanapan ni Bratt Pitt sa Interview With the Vampire.. "I badly wanted to die but I don't have the courage to end my own misery..."

..Sana nga term na lang...

...Kasi I feel like leaving...

...but I just don't have the courage to do it...

So, tomorrow is going to be one of the toughest days of my life... It's a make or break moment, so help me God.

(photo taken from:http://www.google.com/imgres?imgurl=http://i53.tinypic.com/9h6wwp.jpg&imgrefurl=http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php%3Ft%3D463098%26page%3D181&usg=__sC66MpMq6K6-GT8Wwve80QZIwtI=&h=478&w=720&sz=47&hl=fil&start=58&zoom=1&tbnid=XoyetRaBwwYUvM:&tbnh=148&tbnw=179&ei=NPtCTYGrNYvRcZ7b5eMN&prev=/images%3Fq%3Dvera%2Bvictoria%2Bface%2Bto%2Bface%2Bmagkaribal%26hl%3Dfil%26gbv%3D2%26biw%3D1366%26bih%3D624%26tbs%3Disch:1&itbs=1&iact=hc&vpx=961&vpy=241&dur=2218&hovh=183&hovw=276&tx=169&ty=92&oei=CvtCTZCWOcPxrQe284D1Dw&esq=4&page=4&ndsp=20&ved=1t:429,r:18,s:58)

Saturday, January 22, 2011

Ang Pinakamahal na Toll Fee

Kagabi, on our way to World Trade Center para um-attend ng annual holiday party ng HSBC, Lucille and I had no choice but to drive through the expressway papuntang coastal road.

So, dahil expressway, siyempre may tollfee. And para mabilis kami, dun kami sa exact fare lane kasi konti lang napila dun eh. Lucille asked me to get the P22.00 na nasa pouch nya. Ako naman, hanap ng pera. Eh hindi ko pinabuksan yung ilaw ng kotse, feeling malinaw pa ang mata, at kinuha ko ang isang paper bill sa pouch nya. Naiwan yung P50.00 at yung nakuha kong bill ang ibinayad namin, nagdagdag na lang kami ng P2.00 coin.

Paglampas ng tollgate, Lucille had to go to a nearest washroom so we decided to pull over sa isang gasoline station para magpa-gas na rin.

Lucille: (sa gasoline boy) Unleaded, P500.00, cash. (sa 'kin) Nap, paki-kuha yung P500.00 sa pouch.

Hanap naman ako, after a while di ko pa rin mahanap yung P500.00 so naki-hanap na si Lucille until we realized na wala talaga yung P500 sa pouch niya.

Siguro naman, gets na ninyo na yung perang naibayad namin sa tollgate ay yung nawawalang P500.00. Ang akala ko kasi, P20.00 bill yung nakuha ko.

Ending, P502.00 ang bayad sa tollgate, P500.00 ang gasolina. Mas mahal pa ang tollgate sa gas!

Grabe! Iyon na ang pinakamahal na toll fee!

Lesson to learn: Alamin ang mga alternate routes para hindi ka obligadong dumaan sa expressway.

PARTY! PARTY!
(Lucille and I at the HSBC Black Party)

Friday, January 7, 2011

Welcome 2011: My New Year Swak and Ligwak Report!

Wow! 2011 na.. dami'ng nangyari last year di ko na maalala lahat... pero eto, konting flashback lang..

Jan 11, 2010-- 60th Birthday ni Nanay... regalo ko sa kaniya: Christmas basket na napanalunan ko sa raffle sa office.. HAHAHA (SWAK!)

Feb 14?, 2010-- Church Banquet.. di ako nanalo sa raffle kasi di hinulog ng registration team ung raffle ticket ko.. HUHUHU (LIGWAK!)

March 12, 2010-- Last day ng Autofi Care Family sa operations... HUHUHU (LIGWAK!)

Holy Week of April 2010-- Church family camp... tuwing gabi lang ako nakaka-attend kasi training ko sa bagong department na nilipatan ko... HUHUHU (LIGWAK!)

May 2010-- Tuloy-tuloy ang training sa bagong department.. 'Met new friends... HAHAHA (SWAK!)

June 2010-- Berks JAM Youth Service 2nd Anniversary.. 'Daming um-attend.. HAHAHA (SWAK!)

July 1, 2010-- Birthday ni lolo Randy.. kumain kami sa house nila...'Met new friends na nakilala niya sa SM Pala-Pala... HAHAHA.. (SWAK!)

August 27, 2010-- Birthday ni Tatay... 'Visited his grave in Manila Mem sometime that month.. HUHUHU (PERO SWAK!)

Last week of September 2010-- Church 11th Anniversary... Core Leave ko (Vacation for 10 working days--bayad lahat!).. BWAHAHAHAHAHAHAAHHAAHAHAHA (SWAK NA SWAK!)

October 2010-- Nagbakasyon si PJ sa Australia.. Marami ang masaya... para sa kaniya (kasi it's his long awaited vacation eh.. kala niyo ah..)

November 2010-- Nagbalik si PJ galing Australia.. Marami ang malungkot... para sa kaniya (kasi bitin ang bakasyon niya, sabi nila.. kala niyo ah..)

December.. eto medyo marami...

12/5 > B-day party ni Ms Charm/Christmas party ng Team Charming/Team Building ng Team Charming/Picture taking ng Team Charming/slash/slash... HAHAHA (SWAK!)

12/16 > Birthday ko.. I celebrated it sa house ng ate Daisy ko, na tinitirhan ngayon ng Nanay ko, kasama ang kapatid ko.. Party Theme: Children's Party/Comedy Bar; Guests: Mga pamangkin at ilang kabarkada ng kapatid ko... HAHAHA (SWAK!)

12/18 > (Morning) Kids Alive! Children's Festival... more than 1000 children had fun.. Thank You, Lord! HAHAHA (SWAK!)
12/18 > (Evening) 'Went to Starbucks- Tagaytay with friends and redeemed my planner (Salamat kay Diyosa Lot-lot Lianza!).. HAHAHA (SWAK!)

12/24 > My 1st Christmas Eve with my family after 2 years of working on a graveyard shift...Birthday ni PJ... Di na ako natulong 'gang umaga...HAHAHA (SWAK!)

12/25 > Christmas Day... Karaoke-to-sawa! HAHAHAHA (SWAK!)

12/26 > YP Executive Launching.. What the? Meron pala?! HAHAHA (SWAK NA RIN!)

12/27 > Back to work.. KAKATAMAD!!! HUHUHU (LIGWAK!)

12/30 > Farewell party/Last Supper ng Team Charming (Giligan's Festi).. HUHUHU (LIGWAK!).. Dami ng Food.. HAHAHA (SWAK!).. Laki ng Bill.. HUHUHU (LIGWAK!)... Patak-patak.. HAHAHA (SWAK!)

12/31 > NEW YEAR'S EVE... Last day ko sa Team Charming... Nag-senti ako sa Boss ko thru LN.. shift ko that day: 12:00NN to 9:00PM.. After work, derecho uwi sa Silang, Cavite to welcome the New Year with my family.. Sobrang saya! HAHAHAHA (SWAK NA SWAK!)

JAN 01, 2011-- My family recorded our "MTV: Family Concert" as requested by ate Daisy (na nasa Lousiana, USA)

JAN 03, 2011-- Day 1 ko sa bago kong Team/Family... Meet and Greet Dinner kinagabihan (Giligan's ATC--suki lang?)... Dami ng Food, sagot lahat ni Boss Greg... BWAHAHAHAHAHAAHHAAHAHA (SWAK!)

...Whew! Stop muna diyan... dami na eh.. anyways, whether my year was SWAK or LIGWAK, I'm still glad that God has been faithful to me the whole year round...

'Looking forward to another year of blessings!