Saturday, January 22, 2011

Ang Pinakamahal na Toll Fee

Kagabi, on our way to World Trade Center para um-attend ng annual holiday party ng HSBC, Lucille and I had no choice but to drive through the expressway papuntang coastal road.

So, dahil expressway, siyempre may tollfee. And para mabilis kami, dun kami sa exact fare lane kasi konti lang napila dun eh. Lucille asked me to get the P22.00 na nasa pouch nya. Ako naman, hanap ng pera. Eh hindi ko pinabuksan yung ilaw ng kotse, feeling malinaw pa ang mata, at kinuha ko ang isang paper bill sa pouch nya. Naiwan yung P50.00 at yung nakuha kong bill ang ibinayad namin, nagdagdag na lang kami ng P2.00 coin.

Paglampas ng tollgate, Lucille had to go to a nearest washroom so we decided to pull over sa isang gasoline station para magpa-gas na rin.

Lucille: (sa gasoline boy) Unleaded, P500.00, cash. (sa 'kin) Nap, paki-kuha yung P500.00 sa pouch.

Hanap naman ako, after a while di ko pa rin mahanap yung P500.00 so naki-hanap na si Lucille until we realized na wala talaga yung P500 sa pouch niya.

Siguro naman, gets na ninyo na yung perang naibayad namin sa tollgate ay yung nawawalang P500.00. Ang akala ko kasi, P20.00 bill yung nakuha ko.

Ending, P502.00 ang bayad sa tollgate, P500.00 ang gasolina. Mas mahal pa ang tollgate sa gas!

Grabe! Iyon na ang pinakamahal na toll fee!

Lesson to learn: Alamin ang mga alternate routes para hindi ka obligadong dumaan sa expressway.

PARTY! PARTY!
(Lucille and I at the HSBC Black Party)

No comments: