Tuesday, August 30, 2011

My Isabela Adventure

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakarating ako ng Isabela, kasi last year, nagpunta din kami ni Popol doon para sa isang school activity ng aming mission church. But this one is very exciting and especial for me kasi for the first time, and by the grace of God, nakabiyahe ako nang ganon kalayo nang walang ibang kasama (pero sa totoo lang, dapat kasama ko sila Popol, Pauline, at Ivan). Moving on, I just wanna share the experience.

Wednesday night, after ng shift ko from the office, derecho na ako sumakay ng bus going to Lawton station and from there, nag-jeep ako papuntang Lacson St, sa Espana Blvd para sumakay ng bus going to Quezon, Isabela. Ang naging challenge ko papuntang Quezon is nung ibaba ako ng driver sa Lacson at wala akong makitang bus station kaya naglakad-lakad pa ako hanggang sa makita ko yung bus na kailangan ko'ng sakyan.

Nung makakita ako ng bus, tinanong ko kung daraan ng Quezon, Isabela yung bus. Sabi ng driver, pwede daw yun kaya sumakay na ako. Later, I found out na hindi pala aabot ng Quezon ang bus kaya kailangan pa nila akong ibaba ng Santiago, Isabela para maghintay ng bus na dadaan ng Quezon. Go na lang ako, alangan namang bumaba pa ako eh malayu-layo na ang narating nang bus nung makausap ko yung kundoktor.

So ayun, pihit dito, pihit doon; sound trip; sight-seeing kahit gabi-- andami ko nang nagawa para malibang dahil mahaba ang biyahe (10-12hrs yun), hanggang sa magising na lang ako sa ingay ng mga vendors: nasa Santiago na pala ako (hindi ko namalayan na naka-tulog ako). Dali-dali akong bumaba ng bus at para makasigurado, tinanong ko pa ulit yung kundoktor kung nasa Santiago na nga talaga ako. Parang nag-aalanga pa siyang sagutin yung tanong ko (balak pa atang i-extend ang biyahe ko) until sinabi niyang "oo". Sinamahan na rin nya ako sa guard ng Santiago station para ihabilin sa susunod na bus.

Mga 10 minutes din akong naghintay sa bus na biyaheng Roxas, Mallig kasi yun ang bus na dadaan ng Quezon at mga 4:00 AM na rin yun; at sosyal ang bus, may sariling banyo. So, round two ng aking biyahe. Sa tantiya ni Ma'am Gie (yung host ng lugar na pupuntahan ko sa Isabela) makakarating ako ng Quezon at around 7:00 AM, pero sa bilis ng biyahe (at partida pa dun ang stop-over ko sa Santiago) nasa Quezon na ako at around 6:00 AM, Thursday (25 August 2011).

Day 1: Thursday

Friday pa talaga ang event so pahinga lang ako nung Thursday morning, and sumama ako sa outreach nung hapon. Maganda pa ang panahon nung dumating ako nung Thursday morning, pero nung medyo hapon na, nagsimula nang magdilim ang langit. Sabay pala kaming nakarating ni bagyong Mina sa Isabela, and take note, signal number 3 siya.

Natuloy pa rin naman ang pagpunta namin sa outreach; ako , si Warren, at si Pr. Rey kahit na medyo umaambon na noon. Habang si Pr. Rey ay nagka-conduct ng Bible study, nagturo naman ako ng mga bata--si Ma'am Gie talaga ang teacher nila. Noong pauwi na kami, medyo lumalakas na yung ambon at ayaw pang gumana nung headlight ng tricycle namin, pero thankful pa rin kami kay God kasi naka-uwi pa kami nang hindi inaabutan ng ulan.

Day 2: Friday

Kinabukasan, Friday, nagising kami na malakas na ang ulan at ibinabalita na nga na signal number 3 na sa lugar namin. Ending, kailangang i-postpone ang event (by the way, kanina pa ako event ng event, Buwan ng Wika po ang event na binabanggit ko at judge ako sa pa-contest ng school). Dapat Sabado na lang gagawin yung contest kung gaganda ang panahon, kaya nung Friday, tinulungan ko na lang gumawa ng blogsite si Pr. Rey (http://ccbbm.blogspot.com).

Hindi humina ang ulan buong Friday at lumakas pa nga lalo nung gabi na. Sandali ring nawalan ng ilaw nung gabi habang nagpa-practice yung choir ng mission church. After nang pratice, nag-jamming muna kami habang naghihintay nang sundo yung ibang choir members. Finally, nang makauwi na ang lahat ng members, it's time for us to go home too (note: ang church, ang school, at ang bahay ay nasa iisang malaking lote lang lahat). Pagkatapos mag-dinner, nag-ready na kami to go to bed.

Day 3: Saturday

OK, fine. Talagang hindi pa rin tumigil ang ulan. Again, kailangang i-postpone ang Buwan ng Wika at i-move ito to Monday. Kung naging maayos ang panahon, malamang nakabalik na ako ng Cavite noong Saturday morning na yun. At dahil wala namang masyadaong gagawin noong araw na iyon, plan B kami ng aming activities.

Una, namalengke muna kami para sa magiging stock nila Pr. Rey for one-week kasi nga once a week lang sila mamalengke dahil busy sa school kapag weekdays.

After mamalengke, ipinasyal ako nila Pr. Rey sa boundary ng Kalinga at Isabela. Pumunta kami sa view-deck at nakita ko ang malawak na kapatagan ng Quezon. Tapos, bumiyahe naman kami para ikutin yung lugar at makapag sight-seeing, at talagang na-enjoy ko ang biyahe kasi napaka-relaxing nung moment. Nakaka-refresh siya ng spirit. May isang oras din yung special trip na yun at bumalik na kami sa bahay para mag-ready for lunch (by the way, simula nang dumating ako, wala pa akong ginawa kundi mag-internet, mamasyal, at kumain).

Habang kumakain kami ng lunch, dumating si Ptr. Paul, yung isa pang judge, at nagulat kaming lahat kasi siya pala yung hindi nasabihan na postponed ulit ang contest. Pagkatapos namin mag-lunch, naglaba naman kami ni Ma'am Gie, pero after a while nagpatulong si Pr. Rey sa kaniyang blogsite kaya iniwan ko muna si Ma'am Gie.

Noong gabi na, round two lang ng choir practice then short devotion then tulog ako in preparation for the Sunday service.

...to be continued...






Sunday, August 14, 2011

Omake: Going World-Class :)

*Omake (御負け, usually written おまけ) means extra in Japanese.

Looking at my blog stats, it appears that I have readers from other countries too (well, of course my sister in the US is already given) so I guess it's time to switch to the language that everybody understands...


...Nah! If I continue this, some thoughts might just get lost in translation. So, even though I'm very happy with this little international attention I'm getting, I guess I have to continue writing this blog in my native, proud-to-be-Filipino tongue.

Thanks for the visit though, my international readers, and feel free to leave comments in any language that you like, and I will do my best to reply to you using the language that you prefer.

mmmmmmmwwwwwwwaaaaaaahhhhhh!!!

Saturday, August 13, 2011

Capital ONE HSBC

After all those positive scriptings from the management team, para'ng hindi pa rin ma-digest ng karamihan sa amin na HSBC has finally sold its US accounts to Capital One. Last week, may natanggap kaming e-mail from the Boss about this issue pero we actually didn't pay close attention to it. Akala kasi namin, it's just another one of those progress reports until we realized that there is more to that letter.

Yesterday, we were called to a meeting with the management team and they finally confirmed that HSBC's US accounts are already sold to Capital One. What happens then is there are about eight sites in the US na maa-acquire ng C1 plus an off-shore site. And guess what, that off-shore site is none other than our very own Alabang Site.

Sabi nila (ng management team), "..and the off-shore site that Capital One chose is the Alabang Site and we are very excited about it.." Ako naman napangiti, kasi naman sa ganda ng phrasing, pansamantala ko'ng nalimutan na kailangan na naming iwan ang building namin na tinuring kong tahanan for 3 years.


Kaso mabilis nag-wear off ang spell and we all began to see where the meeting was leading us to. Well, hindi naman kami mawawalan ng trabaho, yun ang guarantee nila sa amin but for sure, we have to leave the site anytime in 2012.

Ang pinakamabigat na issue, para sa akin (at para sa karamihan), ay hindi yung paglipat ng workplace but yung pagpapalit ng pangalang dinadala ng mga taong tatamaan ng changes.

Imagine, for so many years, dinala ng mga employees from the US account ang pangalang HSBC but all of a sudden they will be moving to Capital One. Personally, napakasakit nito para sa akin kung directly affected ako nito kasi palagi kong sinasabi sa sarili ko na mahal ko ang HSBC and I take pride in working for it; that's why I sympathize with those who will be (forcibly?) carrying the Capital One flag next year.

Paano na lang yung mga dreams nila, yung mga aspirations na kung saan kasama ang HSBC? Lahat yun maglalaho kasi they will be adopted by a new company. For some, siguro they will find it exciting to work under a new banner, but not for most.

Thankful ako na I belong to a non-US account. Choosing between the two evils, sabi nga, we choose the lesser evil. So it's better na mapalayo ng workplace (if ever) kesa naman mapalayo nang tuluyan sa kumpanyang minahal at minamahal ko.

I love HSBC T_T


Read similar story at:
http://www.rawstory.com/rs/2011/08/10/capital-one-buys-hsbc-credit-card-for-33-billion/

Proven Fact: There is No Regret for Trying.

Sorry naman kung natagalan but I've planned on posting this blog right after na ma-realize ko na I won't be interviewed for a job post sa Australian Account ng company namin.

If you check my previous post, yung Vae Victus, dun ko sinabi na lilipat na ko ng ibang account and so nag-try ako mag-submit ng resume para ma-schedule sa interview. May kasama pa kong isa, si Lisa, and we both waited for weeks para sa aming schedule pero walang naganap na interview.

One day, however, pagbalik ko sa station ko after my lunch break, I found Lisa being interviewed dun mismo sa station niya. Inside I was hoping na sana, pagkatapos niya, ako naman. Kaso mo, after ng interview ni Lisa, umalis na siya. Sa isip-isip ko, "hindi mo man lang ba ipagtatanong-tanong kung sino dito si Nap Nayra?". Eh hindi nga nagtanong, pak!

So ayun, after a few minutes, may natanggap nang email si Lisa, naka-copy sa management team na they will be accepting her to be a part of their account. At ako, wa-balita. Lisa tried ko comfort me afterwards pero sabi ko nga, "I still have a role to play in this Process (process ang tawag namin sa department namin)".

From that day on, tinanggap ko na, na kahit there was a time na naumay talaga ko sa process namin, para dun talaga ako. Ang sa akin naman kasi, I have nothing to lose. Kung malipat ako ng process, very good kasi makakawala na ako sa mundong gusto kong takasan. Pero kung maiwan naman ako, ayus pa rin kasi sabi nga ng boss ko, "If you stay here, you have a bigger chance of staying on top of the game."

Kaya ngayon, dito ako sa Manila Care, doing the best I can para maging part ng victory ng team namin. At ngayon mas nakakahinga ako ng maluwang kasi wala akong "what if" syndrome. Hindi ko kailangang puyatin ang sarili ko kakaisip about what could have happened if I hadn't applied for the post and it turns out na ako pala yung kailangan nila.

Because I tried (but didn't make it), masasabi ko na kahit papaano, nagkaroon ako ng tapang to step one foot forward; at kahit na para sa akin, hindi maganda ang naging resulta wala pa rin akong regrets kasi sinubukan ko. And though I finally understand that God has a better plan for me, mas masakit kung pinalipas ko ang pagkakataon na hindi man lang ako sumubok.

----tamaahhh----