Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakarating ako ng Isabela, kasi last year, nagpunta din kami ni Popol doon para sa isang school activity ng aming mission church. But this one is very exciting and especial for me kasi for the first time, and by the grace of God, nakabiyahe ako nang ganon kalayo nang walang ibang kasama (pero sa totoo lang, dapat kasama ko sila Popol, Pauline, at Ivan). Moving on, I just wanna share the experience.
Wednesday night, after ng shift ko from the office, derecho na ako sumakay ng bus going to Lawton station and from there, nag-jeep ako papuntang Lacson St, sa Espana Blvd para sumakay ng bus going to Quezon, Isabela. Ang naging challenge ko papuntang Quezon is nung ibaba ako ng driver sa Lacson at wala akong makitang bus station kaya naglakad-lakad pa ako hanggang sa makita ko yung bus na kailangan ko'ng sakyan.
Nung makakita ako ng bus, tinanong ko kung daraan ng Quezon, Isabela yung bus. Sabi ng driver, pwede daw yun kaya sumakay na ako. Later, I found out na hindi pala aabot ng Quezon ang bus kaya kailangan pa nila akong ibaba ng Santiago, Isabela para maghintay ng bus na dadaan ng Quezon. Go na lang ako, alangan namang bumaba pa ako eh malayu-layo na ang narating nang bus nung makausap ko yung kundoktor.
So ayun, pihit dito, pihit doon; sound trip; sight-seeing kahit gabi-- andami ko nang nagawa para malibang dahil mahaba ang biyahe (10-12hrs yun), hanggang sa magising na lang ako sa ingay ng mga vendors: nasa Santiago na pala ako (hindi ko namalayan na naka-tulog ako). Dali-dali akong bumaba ng bus at para makasigurado, tinanong ko pa ulit yung kundoktor kung nasa Santiago na nga talaga ako. Parang nag-aalanga pa siyang sagutin yung tanong ko (balak pa atang i-extend ang biyahe ko) until sinabi niyang "oo". Sinamahan na rin nya ako sa guard ng Santiago station para ihabilin sa susunod na bus.
Mga 10 minutes din akong naghintay sa bus na biyaheng Roxas, Mallig kasi yun ang bus na dadaan ng Quezon at mga 4:00 AM na rin yun; at sosyal ang bus, may sariling banyo. So, round two ng aking biyahe. Sa tantiya ni Ma'am Gie (yung host ng lugar na pupuntahan ko sa Isabela) makakarating ako ng Quezon at around 7:00 AM, pero sa bilis ng biyahe (at partida pa dun ang stop-over ko sa Santiago) nasa Quezon na ako at around 6:00 AM, Thursday (25 August 2011).
Day 1: Thursday
Friday pa talaga ang event so pahinga lang ako nung Thursday morning, and sumama ako sa outreach nung hapon. Maganda pa ang panahon nung dumating ako nung Thursday morning, pero nung medyo hapon na, nagsimula nang magdilim ang langit. Sabay pala kaming nakarating ni bagyong Mina sa Isabela, and take note, signal number 3 siya.
Natuloy pa rin naman ang pagpunta namin sa outreach; ako , si Warren, at si Pr. Rey kahit na medyo umaambon na noon. Habang si Pr. Rey ay nagka-conduct ng Bible study, nagturo naman ako ng mga bata--si Ma'am Gie talaga ang teacher nila. Noong pauwi na kami, medyo lumalakas na yung ambon at ayaw pang gumana nung headlight ng tricycle namin, pero thankful pa rin kami kay God kasi naka-uwi pa kami nang hindi inaabutan ng ulan.
Day 2: Friday
Kinabukasan, Friday, nagising kami na malakas na ang ulan at ibinabalita na nga na signal number 3 na sa lugar namin. Ending, kailangang i-postpone ang event (by the way, kanina pa ako event ng event, Buwan ng Wika po ang event na binabanggit ko at judge ako sa pa-contest ng school). Dapat Sabado na lang gagawin yung contest kung gaganda ang panahon, kaya nung Friday, tinulungan ko na lang gumawa ng blogsite si Pr. Rey (http://ccbbm.blogspot.com).
Hindi humina ang ulan buong Friday at lumakas pa nga lalo nung gabi na. Sandali ring nawalan ng ilaw nung gabi habang nagpa-practice yung choir ng mission church. After nang pratice, nag-jamming muna kami habang naghihintay nang sundo yung ibang choir members. Finally, nang makauwi na ang lahat ng members, it's time for us to go home too (note: ang church, ang school, at ang bahay ay nasa iisang malaking lote lang lahat). Pagkatapos mag-dinner, nag-ready na kami to go to bed.
Day 3: Saturday
OK, fine. Talagang hindi pa rin tumigil ang ulan. Again, kailangang i-postpone ang Buwan ng Wika at i-move ito to Monday. Kung naging maayos ang panahon, malamang nakabalik na ako ng Cavite noong Saturday morning na yun. At dahil wala namang masyadaong gagawin noong araw na iyon, plan B kami ng aming activities.
Una, namalengke muna kami para sa magiging stock nila Pr. Rey for one-week kasi nga once a week lang sila mamalengke dahil busy sa school kapag weekdays.
After mamalengke, ipinasyal ako nila Pr. Rey sa boundary ng Kalinga at Isabela. Pumunta kami sa view-deck at nakita ko ang malawak na kapatagan ng Quezon. Tapos, bumiyahe naman kami para ikutin yung lugar at makapag sight-seeing, at talagang na-enjoy ko ang biyahe kasi napaka-relaxing nung moment. Nakaka-refresh siya ng spirit. May isang oras din yung special trip na yun at bumalik na kami sa bahay para mag-ready for lunch (by the way, simula nang dumating ako, wala pa akong ginawa kundi mag-internet, mamasyal, at kumain).
Habang kumakain kami ng lunch, dumating si Ptr. Paul, yung isa pang judge, at nagulat kaming lahat kasi siya pala yung hindi nasabihan na postponed ulit ang contest. Pagkatapos namin mag-lunch, naglaba naman kami ni Ma'am Gie, pero after a while nagpatulong si Pr. Rey sa kaniyang blogsite kaya iniwan ko muna si Ma'am Gie.
Noong gabi na, round two lang ng choir practice then short devotion then tulog ako in preparation for the Sunday service.
...to be continued...
2 comments:
pagala gala lng eh;)
tamaah.. Haha..
Post a Comment