Saturday, August 13, 2011

Proven Fact: There is No Regret for Trying.

Sorry naman kung natagalan but I've planned on posting this blog right after na ma-realize ko na I won't be interviewed for a job post sa Australian Account ng company namin.

If you check my previous post, yung Vae Victus, dun ko sinabi na lilipat na ko ng ibang account and so nag-try ako mag-submit ng resume para ma-schedule sa interview. May kasama pa kong isa, si Lisa, and we both waited for weeks para sa aming schedule pero walang naganap na interview.

One day, however, pagbalik ko sa station ko after my lunch break, I found Lisa being interviewed dun mismo sa station niya. Inside I was hoping na sana, pagkatapos niya, ako naman. Kaso mo, after ng interview ni Lisa, umalis na siya. Sa isip-isip ko, "hindi mo man lang ba ipagtatanong-tanong kung sino dito si Nap Nayra?". Eh hindi nga nagtanong, pak!

So ayun, after a few minutes, may natanggap nang email si Lisa, naka-copy sa management team na they will be accepting her to be a part of their account. At ako, wa-balita. Lisa tried ko comfort me afterwards pero sabi ko nga, "I still have a role to play in this Process (process ang tawag namin sa department namin)".

From that day on, tinanggap ko na, na kahit there was a time na naumay talaga ko sa process namin, para dun talaga ako. Ang sa akin naman kasi, I have nothing to lose. Kung malipat ako ng process, very good kasi makakawala na ako sa mundong gusto kong takasan. Pero kung maiwan naman ako, ayus pa rin kasi sabi nga ng boss ko, "If you stay here, you have a bigger chance of staying on top of the game."

Kaya ngayon, dito ako sa Manila Care, doing the best I can para maging part ng victory ng team namin. At ngayon mas nakakahinga ako ng maluwang kasi wala akong "what if" syndrome. Hindi ko kailangang puyatin ang sarili ko kakaisip about what could have happened if I hadn't applied for the post and it turns out na ako pala yung kailangan nila.

Because I tried (but didn't make it), masasabi ko na kahit papaano, nagkaroon ako ng tapang to step one foot forward; at kahit na para sa akin, hindi maganda ang naging resulta wala pa rin akong regrets kasi sinubukan ko. And though I finally understand that God has a better plan for me, mas masakit kung pinalipas ko ang pagkakataon na hindi man lang ako sumubok.

----tamaahhh----

1 comment:

written_n_urheart said...

at least u tried brader;) You are still the best;)